You need to sign in or sign up before continuing.

simplymegy 's review for:

Anina ng mga Alon by Eugene Y. Evasco
5.0
emotional inspiring fast-paced
Plot or Character Driven: Plot
Strong character development: Yes
Loveable characters: Yes
Diverse cast of characters: Yes
Flaws of characters a main focus: No

Nais kong bigyang hustisya ang maliit na aklat na ito sa pamamagitan ng pagsulat ng isang pagsusuring hango sa ating wika.

Lubos ang aking paghanga sa munting kwentong ito. Nabighani ako sa kuwento ni Anina at sa mga kaugalian ng mga Badjao.

Ang Bongao, Tawi-tawi ay isang lugar na natuklasan ko lamang ngayon, kahit na ako ay isang Pilipino. Nabuksan ang aking mata at isipan sa isang kultura ng mga taong madalas ay inaapi. Natuklasan ko ang talento nila sa pangingisda at paghahabi, at ang kanilang mga kundiman at awitin.

Ang kanilang mga pagsubok na batay sa katotohanan ay sadyang nakalulumbay. Hiling ko na ang librong ito ay isama sa kurikulum ng mga kabataang Pilipino. Tunay na mahalagang matutunan ang iba't ibang kultura sa Pilipinas.