A review by billy_ibarra
Lilim by Lean Borlongan

emotional lighthearted sad fast-paced

2.5

Litaw sa mga tula ang pagtangi sa kabila ng mga pagtanggi, ang paghihintay sa mga di-tiyak na pagdating, ang di pag-aalinlangan sa mga alangan, ang pag-ibig na hindi natutugunan ngunit lagi't laging pagpili na magmahal, ang mga wala nang mararating na pag-asa sa isang taong sinunog na ang tulay na namamagitan sa inyong dalawa. Ang mahalaga, marahil, minsan n'yong naging lilim ang isa't isa sa maraming panahong kinailangan n'yo ito.