A review by billy_ibarra
Sigwa by Jobert Pillas

informative reflective fast-paced

4.0

Punumpuno ng pag-ibig ng isang aktibista, na para bang ang sarap magmahal sa kabila ng mga sigwang kaakibat nito. Sa kabila ng mga kontradiksiyon. Nariyan ang tungkulin mo sa sarili, bilang karelasyon at kasama, sa kolektiba, sa bayan. Katulad ng may-akda, pamilyar ako sa mga sinasabi niya sa kaniyang mga tula. Pamilyar sa akin ang PUP, ang Teresa, ang Pureza. Dinaanan ko rin ang lansangang dinaanan ng lahat ng nagmartsa para ipaglaban ang ating batayang karapatan. Bumiyahe rin ako sa Antipolo, sa Crossing, at sa kung saan-saan pa. Naniniwala rin ako sa mga pag-aaral na ibinigay ng mga kasama at naniniwala na isang araw, lahat tayo ay lalaya. 

May saya ngunit may lungkot, batbat ng kontradiksiyon, umaasa balang-araw sa malayang pag-ibig, puno ng magkabilang bagay na magkakaugnay---iyan ang mga sigwang nilalaman ng mga akda. May pagtanaw sa huli na babaligtad din ang mundo. Sabi nga ng isang kanta, "Hindi tayo titigil hangga't di nagwawagi."