Take a photo of a barcode or cover
A review by elaineandbiting
Diary ng Panget by HaveYouSeenThisGirL
3.0
Matagal ko nang naririnig sa mga pinsan ko ang tungkol sa Diary ng Panget bago pa man ito ipubish. Sa totoo lang, hindi na ako nagbabasa ng mga kwentong katulad nito maliban na lamang kung tatamaan ako ng katamaran sa paggawa ng mga kailangan sa eskwelahan o nasisiraan na ako ng bait sa dami ng binabasa ko. Pero paminsan-minsan nagbabasa din ako.
Kanina, humiram ako ng kopya ng librong ito sa pinsan ko. Nakita ko kasi na nagbabasa siya nung ikalawang bahagi at ako naman ay tinatamad na magbasa ng nasa reading list ko talaga. Kaya hiniram ko at sinimulang basahin. Hindi naman matagal basahin ung aklat. Sa katunayan, wala pang dalawang oras, tapos ko na ang limang kabanata nito. At ngayon naisipan ko na gumawa ng pagtalakay sa aklat.
Bilang isang modernong likha, ang Diary ng Panget ay maituturing ko na isa sa mga repleksyon ng kontemporaryong lipunan. Makikita sa wika na ginamit ng manunulat ang "code-switching" ng Filipino at Ingles at bagama't may magsasabing hindi ito katanggap-tanggap sa literatura, bilang isang linguista, ito ay isang pagsasalamin lamang sa paraan ng pagsasalita at pag-iisip ng manunulat.
Isa rin akong baguhang manunulat. Noong labinglimang taong gulang din ako, nagsulat din ako ng isa kwento na katulad nito, bago pa man mauso ang Wattpad. Nakilala ko din ang ilang manunulat na ngayon ay mga "published authors" na. At naenganyo din ako na basahin ang mga sinulat nila.
Aaminin ko na medyo na-disappoint ako sa kwento. Sa cliche na plot, wala akong problema. Sa totoo lang, fan ako ng cliches. Pero sa paraan ng pagsusulat, doon ako nagkaroon ng kaunting problema. Masyadong mabilis ang takbo ng istorya na sa sobrang bilis pakiramdam ko may hinahabol akong tren. Madami-dami na din akong nabasang ganitong istorya pero sana nagkaroon man lamang ng editing, at proofreading ang kwento. Maaari pa naman sana itong pakulayin ng husto. Gayundin, nakakalungkot isipin na ang kwentong ito ay may mga typographical errors, mga maling gamit sa salita, at mga maling salita. Inilista ko ang ilang pagkakamali na nakita ko. Ang pinakatumatak sa akin ay ang ilang ulit na pagkakaroon ng maling baybay sa "apartment." Alam ko na ito ay typorgraphical error lamang [nagkaroon ng dobleng 'p'] subalit, tungkulin ng publishing house na idaan sa tamang proseso ng pagwawasto at pag-uulit ang manuskripto bago ilathala.
Nakalulungkot isipin na madaming mga kabataan ang nakababasa ng likhang ito subalit nakikita nila ang mga kamalian. Ito ay isang sigaw na rin para sa mga tagalathala ng mga aklat para sa paaralan. Pero mabalik tayo sa istorya.
Siguro nga ay dapat kong mabasa ang sumunod na bahagi ng kwento. Hindi ako sang-ayon sa desisyon ng publishing house na hatiin ang kwento sa apat na bahagi at magkaroon ng limang kabanata sa unang aklat. Bitin. Bitin ang kwento ay para sa isang mambabasa na katulad ko, himala na hindi ako nagtapon ng mga bagay-bagay sa kwarto ko sa inis dahil sa pagkabitin. Sana ay inilathala na lang ito ng buo sa iisang libro, upang sa gayon at makita ng mambabasa ang paglaki at pag-unlad ng mga tauhan; upang mahusgahan namin ang pagiging bilog o lapad ng mga tauhan. Ipagpapalagay ko na ito ay sinadya upang bigyan ng pagkasabik ang mga mambabasa subalit mangyaring malaman ninyo na hindi ako natuwa dito.
Sa humor na kalakip ng kwento, dito ako humahanga sa manunulat. Alam ko ang hirap ng pagsusulat ng nakakatawang kwento. Madaling paluhain ang mambabasa, madali ring pasabayin sila sa damdamin ng mga tauhan pero mahirap silang patawanin. Ito ang arte na malamang kailanman di ko magawang maperpekto. Subalit, masasabi ko na konting ayos na lang, malayo pa ang mararating ng manunulat sa kanyang humor. Konting hasa pa! Pero bilang baguhan sa larangan, masasabi ko na maganda ang nagawa niya para patawin kami.
Sa kabuuan, mayroon akong tatlong puntong nais iparating sa manunulat at sa tagapaglathala. Una, ipagpatuloy pa nawa ng manunulat na hasain ang kanyang talento at sana ay alamin niya din ang ilan pang mga kasanayan para ma-improve ang paraan ng pagsusulat. Ikalawa, sana isaisip ng tagapaglathala na ang paglathala ng mga kwento ay hindi laging nakabase sa manunulat, sapagkat tungkulin din nila na bigyan ng komento at iwasto ang mga bahagi na sa tingin nila ay makadaragdag sa potensyal ng isang likha. At panghuli, inirerekomenda ko ang lathalaing ito sa mga baguhan pa lang sa pagbabasa.