Take a photo of a barcode or cover
A review by katonthejellicoe
Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat by Ronaldo S. Vivo Jr.
challenging
dark
mysterious
sad
tense
medium-paced
- Plot- or character-driven? Plot
- Strong character development? It's complicated
- Loveable characters? It's complicated
- Diverse cast of characters? Yes
- Flaws of characters a main focus? Yes
5.0
"Hindi sapat na makita lang natin ang hinahanap natin, dapat lang na makita rin nila ang hinahanap nila." — Ronaldo Vivo Jr., Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat
Aaminin ko, bias talaga ako sa Dreamland Trilogy dahil ang Bangin ay isa sa mga pinakapaborito kong akda. Pero, sa aking pagninilay-nilay matapos kong isara ang ikatlong libro, narealize kong akong-ako talaga ang target audience nito (medyo nag-expect kasi ako na hindi ko masyadong magugustuhan dahil sa iba't ibang rebyu ng mga kaibigan ko; buti na lang mali ako).
Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat, tulad ng naunang mga nobela, ay sumasalamin sa reyalidad na kinakaharap ng ating lipunan mula sa iba't ibang porma ng karahasan. Ang pinagkaiba lang nito ay higit na malawak at malalim ang representasyon ng mga tauhan. Andyan si Sol na kumakatawan sa karanasan ng mga mamamahayag sa ating bansa; si Dondi na nagrerepresenta ng kayang gawin ng isang may posisyon at pera sa lipunan; at siyempre, si Boni Fly na nagpakita sa atin ng buhay sa piitan.
Sa samut-samot na mga kwentong ito na pinagtagni-tagni ng awtor sa katapusan, muli niyang binigyang-diin ang mga dahilan at puno't dulo ng ating mga daing, hinanakit, hinagpis, at higit sa lahat, ng ating mga suklam.
Pero sa huli, Bangin pa din talaga ako. Hehe :')