ppphanon's profile picture

ppphanon's review

2.5
challenging dark mysterious tense slow-paced
Plot or Character Driven: Plot
Strong character development: No
Loveable characters: No
Diverse cast of characters: Yes
Flaws of characters a main focus: Complicated

I love the mystery and lore BUT there was SO MUCH side tangents and pa ulit na ulit na phrases it got frustrating. Also the book was just building up and then it just ended abruptly.

vance_31's review

4.0

Binasa ko nang pangatlong beses ngayong 2021 bilang paghahanda sa huling libro ng serye.

Bakit ngayon ko lang ginawan ng review itong libro? Haha ewan ko.

Naalala ko no'ng binili ko ito sa Pandayan. Na-persuade ako ng review ni sir Manix Abrera sa likod ng cover, kaya binili ko. Binabasa ko pa lang 'yung mga unang pahina ng chapter 1, alam ko na sa sarili kong magugustuhan ko ang librong ito. May suspense agad sa una pa lang. 'Yung na-pulbos na braso ni Harold, 'yung ibang namatay, at si Bungisngis. Kinilabutan talaga ako kay bungisngis.

Kapag tiningnan mo 'yung mga mata niya, parang may sinasabi sa iyo. Parang sinasabing humanda ka kapag mag-isa ka lang, kapag hindi mo kasama ang kabarkada mo, tingnan natin kung matawa ka pa.

Goosebumps. Nakuha agad ng libro ang atensiyon ko sa simula pa lang. Iba 'yung atake.

Nagpatuloy na ang kuwento, at sa tingin ko na-explain naman nang maayos ang larong TALA. Maganda ang konsepto. Nagkaroon ng info-dumping nang kaunti, pero hindi naman 'yung tipong talgang mababagot ka. Talagang magpapatuloy ka sa pagbabasa kasi interesting naman.

Okay rin 'yung development ni Janus. Pati na rin ni Harold, kahit sa simula pa lang ay patay na siya. Gusto ko kung pa'no naipakita ang loob ng tahanan ni Janus. Realistic. Halos parang ako lang, except di ako nagko-computer games at di napag-iinitan (well, minsan. lol).

Pagkatapos ng medyo mabagal na bahagi ng libro, unti-unti nang nabubunyag ang lahat. Napakilala na si Manong Joey at si Renzo. At ang mga bagay ay unti-unti nang lumilinaw. Di ko alam pa'no nakaya ni Janus lahat ng impormasiyong iyon.

Lagi kong sinasabing ang twist sa librong ito ay ang pinakapaborito kong twist sa lahat ng librong nabasa ko. Sa unang pagbabasa, hindi ko napansin 'yung mga clue sa plot twist na 'yun. Patunay iyon na magaling na naitago ang nakakabaliw na twist ending. It got me off-guard, at siguro pati ang ibang nagbasa. Di ko maalala kung ilang mura ang nasabi ko no'ng mabasa ko 'yung part na 'yun nang unang beses. Pati sa pangatlong pagbabasa, iba pa rin ang dating. Nakakagulat. Nakakatakot. Nakakalungkot.

Pero ayon. Hindi ko magawang five-star ang librong ito. May ilang minor flaws lang akong nakita. May napansin akong repetitiveness. 'Yung boses ng ilang karakter ay hindi sapat ang pagkakaiba sa boses ng narration. May ilang instances na hindi ko naging trip 'yung writing. At sa tingin ko ay may mga kaunting flaws sa ibang eksena. Hindi ko na babanggitin (dahil hindi naman nakaapekto masyado sa kalidad ng kuwento), baka magmukha akong Cinemasins haha.

So ayon. Magandang simula ito kasi naipaliwanag na ang kailangan maipaliwanag. Maganda ang librong ito. Straightforward ang pagkukuwento. Maganda ang pagsasama ng konsepto ng video games at Philippine mythology. Talagang masasabi kong nagstand-out ang librong ito. Orihinal. Bago. Astig. Malupit. Nakakamangha. Sinabi ko na ba 'yung Astig?

Kung hindi ko nagustuhan ito, hindi ko bibilhin ang mga sumunod na installment at hindi sana ako excited sa book 5 ngayon at hindi sana Janus Silang ang isa sa mga paborito kong literaturang gawang pilipino.

'Yun lang. Ingat lang po tayo sa mga bunso.

Ehem... baka naman. May adaption na ng Trese. Naghihintay na lang kami ng adaption ng Janus Silang. hahaha. Kahit si Renzo na lang si Joshua Garcia. Oks din.



Ngayon natiyak na ni Janus na talaga ngang nagbago na ang mundo niya. Wasak na wasak na ang mundo niya.

theloverary's profile picture

theloverary's review

4.0

I didn't expect to like it. It was supposed to be just a simple reading for a book club. Would definitely buy the next ones
withlovejea's profile picture

withlovejea's review

5.0
adventurous mysterious tense fast-paced
Plot or Character Driven: A mix
Strong character development: Complicated
Loveable characters: Yes
Diverse cast of characters: Yes
Flaws of characters a main focus: No

Di ko inakala na magugustuhan ko nang sobra 'tong librong 'to. Grabe yung mga plot twist pati na rin yung mismong plot. Sobrang engaging ng writing style. 
earlapvaldez's profile picture

earlapvaldez's review

5.0

Ito ang una kong aklat para sa taong 2016! Una ko rin itong pagkakataong magbasa ng YA... at sa Filipino pa, bagama't binasa ko ito hindi dahil isa itong YA na nobela pero mas Sci-Fi/Fantasy ito kaysa YA. At pagkatapos nito, masasabi kong promising ang seryeng ito.

PS Kailangang gawing sine na ito.

PPS Sir Egay ([a:Edgar Calabia Samar|3137384|Edgar Calabia Samar|https://d.gr-assets.com/authors/1348880198p2/3137384.jpg]), hindi mo ako naging studyante at malamang nagkikita lang tayo sa De La Costa Hall noong TA / Faculty member pa ako ng Philo dept. Pero gusto kong sabihing napakahusay nito at gusto kong makakuha ng pangalawang nobela.
booksniff_'s profile picture

booksniff_'s review

4.0

Sobrang ganda ng storya. Para akong ginayuma gaya ng pang gagayuma ng TALA online sa mga manlalaro nito. Noong una ay hindi ko maintindihan ang mga nangyayari hanggang sa lalo pa ako nakaramdam ng pananabik malaman ang katotohanan. Unti-unting ibinunyag saakin ng libro ang sagot sa aking mga katanungan. Halong cringe (sa pagiibigang Mica at Janus), excitement, kilabot, at takot ang naramdaman ko. At onting pagkatuwa sa nga bagay na sa tingin ko ay nakarelate ako lalo na sa text format nila Janus, Mica, at Joey. Pati na rin sa mga GM.

Nakakatuwang makapag basa muli ng akda ng isang Filipino Author makalipas ang higit sampung taon. Napakagaling ng pagkakasulat, mabusisi sa mga detalye patungkol sa mga lugar, direksyon, at kaganapan na nag eexist at nangyari talaga sa Pilipinas.

May mga bagay lang ako na hindi kinatuwaan nung una, ang mga ibang detalye sa mga teacher na sa tingin ko naman ay hindi makabuluhan sa estorya, Ito ay para pahabain lamang ang aklat. Noong una ay hindi rin ako natuwa sa mga backstory, ngunit sa aking patuloy na pagbabasa napag alaman kong ito ay may kinalaman naman pala talaga sa kwento.

Ang plot twist ay kakila-kilabot, noon palang sa interview sa chapter 3 na hindi si Boss Serj ang nasa TV ay kinilabutan na ako lalo pa nung plot twist na
wanderwithjon's profile picture

wanderwithjon's review

5.0

A Tagalog young-adult novel that every Filipino reader has long been looking for, Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon made me fall in-love all over again for Filipino literature. Edgar Calabia Samar will truly be another name that will be in my long list of automatic authors to buy.

FULL REVIEW: https://wanderwithjon.wordpress.com/2019/10/08/book-review-si-janus-silang-at-ang-tiyanak-sa-tabon-by-edgar-calabia-samar

pannc's review

3.0

THAT LAST CHAPTER ??? WTF (in a good way)
dleirap's profile picture

dleirap's review

4.0

Wala man akong naramdamang dilang-karayom ng Manananggal sa puso ko habang nagbabasa, excited na ko akong basahin ang mga susunod na libro.
dxtrjames's profile picture

dxtrjames's review

5.0
adventurous dark funny mysterious tense medium-paced
Plot or Character Driven: Plot
Strong character development: Yes
Loveable characters: Yes
Diverse cast of characters: Yes
Flaws of characters a main focus: No