Reviews

56 by Bob Ong

earlapvaldez's review against another edition

Go to review page

hopeful informative inspiring reflective medium-paced

5.0

diane_gps's review

Go to review page

funny informative reflective fast-paced

3.5

vance_31's review

Go to review page

5.0

Ngayong binasa ko 'to sa ikalawang pagkakataon, may mga bago uli akong natutunan (halimbawa, kapag may batang ayaw sa iniregalo mo sa kanya, bigay mo na lang 'yung regalo sa ibang bata, at 'yung batang maarte na 'yon ay regaluhan na lang ng isang kilong okra). At malamang meron uli kapag binasa ko pa nang ikatlong beses.

Malaking tulong ang librong ito sa 'kin at siguradong pati sa ibang kabataan dahil talagang napapanahon ang mga napag-usapan dito. Gusto ko kung paano pinasilip ni Bob Ong ang buhay ng isang matanda at pamilyado. Nakakalibang at may punto ang mga sinasabi niya. Siguro kapag nasa gano'ng edad na 'ko, babalikan ko 'tong libro na 'to (maliban na lang kung magiging marupok ako at ipapahiram ko 'tong libro sa iba at akala nila maganda rin sa mukha ang hardbound kaya hindi na nila isasauli). Sa libro ring ito ko pa lalong nakilala si Bob Ong. Tingin ko sapat na ang pagbabasa ko ng mga libro niya para makilala ko siya. Ewan ko ba kung ano'ng trip ng iba't gustong-gusto nilang malaman ang totoong identity ni Bob Ong. Basta hindi siya si Eros Atalia. Si Eros Atalia ay si Batman, siya na rin ang may sabi. Pero kung trip n'yo, bahala kayo. Good luck. lol.

Hindi ko ugaling magbasa ng mga ganitong uri ng libro. May exception lang kapag si Bob Ong ang nagsulat (alam ko hindi siya matutuwa sa 'kin sa ugali kong 'to. lol) .

trumanrose's review against another edition

Go to review page

funny informative inspiring reflective relaxing medium-paced

4.25

I mostly disagree with his views on spirituality, but the rest are spot on. Glad I decided to rekindle my friendship with local Filipino authors.

littlepeterwabbit's review against another edition

Go to review page

funny informative inspiring lighthearted reflective slow-paced

5.0

Book for adulting for kids

veron's review

Go to review page

5.0

Life according to Bob Ong. Base sa kanyang mga karanasan, at hinati-hati sa iba't ibang yugto ng buhay ng karaniwang mamamayang Pilipino.

Mula sa tamang pakikipagpalitan ng opinyon sa social media hanggang sa pagpili ng bibilhing bahay, maraming payo at kaalaman ang matutunan na siguradong magagamit hanggang sa pagtanda. Pero hindi ka mababagot sa nakakaaliw niyang paraan ng pagkukuwento. Natutuwa ako na nabasa ko ang 56 ngayon at sana'y marami pang kaedad ko ang maengganyong basahin ito. Hindi masasayang ang oras at ipambibili.

miss_demeanor's review against another edition

Go to review page

funny reflective relaxing

4.0

emm_06's review

Go to review page

4.0

Ang librong ito ay tungkol sa mga ilang aral na natutunan ni Bob Ong sa buhay, o sabi nga sa isa sa apat na options ng subtitle ng libro (choose your own kumbaga): Life According to Ong.
Medyo di ko na maalala ang ibang nilalalman ng libro dahil paputol-putol at natagalan ako bago matapos basahin ito. Mula sa mga huling kabanata ng libro, pinapaalalahanan ang mambabasa na matutong mag-isip para sa sarili at mamuhay nang mas higit pa sa sarili.

jemielguevara's review

Go to review page

5.0

Ang librong pangmatanda para sa mga bata...

Ang pahina nang bawat henerasyon na napagdaanan ng isa sa aking paboritong manunulat at ang mga aral na napulot niya sa paghimpil dito. Isang rak en rol na manual on how to be a grownup.

Simple, walang dyahe at swabeng pagkukwento. Light at nakakatawa as always na may biglang turn into serious thoughts, pero hindi yung awkward. Parang siya tulad nang dati at siya na nagbago na (yun tipong "same old brand new"). Sa matagal kong pagbabasang kanyang mga aklat, napansin ko yung pagbabago ng thoughts niya. Siguro dahil na rin sa pag-usad niya sa daloy ng panahon at paglawak ng kaisipan niya. 23 pa lang habang sinusulat ko ito at masasabi kong hilaw pa ako sa maraming bagay sa mundo. Ngunit matagumpay niyang naiparatingang mensahing nais niyang ipabatid.

Ang librong ito ay ukol sa mga napagdaanan niya sa buhay, point of view niya sa maraming bagay at pasilip sa kanyang personal na buhay (pag-ibig, pamilya and stuff). Dito ko na-realise na andami na ngang nagbago in terms na parang dati siya yung barkada mo na masarap kakuwentuhan pero ngayon para siyang barkada/tatay/tito na maraming baong payo. Ganito yung naramdaman ko habang binabasa ko ito, tapos may mga reaction sa akong "may ganito", "may ganyan" na siya. Nakakatuwa lang.

Maraming topic ang napagusapan, mga ideolohiyang tinalakay. May mga pagkakataon na agree pero meron ding hindi. But I don't resent it but respct and acknowledge it instead. Gaya nga ng nais niya iparating, hindi niya nais hilahin ang isang tao sa paniniwala niya sa politika, relihiyon mga pananaw at iba pa. Nais lamang niyang mag-ambag ng kaunting kaalaman upang lumawak ang pag-iisip. Kung duda ka daw sa kulay ng kuwento niya, ito ay dahil sa iyong personal bias at idolatry o sobrang paghanga. Ang tunay na pagpapalawak ng kaisipan ay hindi nasusukat sa pag-ko-confirm ng mga bagay na iyo lamang pinaniniwalaan dahil dito ka komportable. Ito ay ang pagtanggap sa iba't-ibang panig, pagtimbang-timbangin, unawain at irespeto.

Ang masasabi kong pinakafavorite part ng libro (halos lahat oks sakin) ay ang huling part: mga pabaon, hints & tips, life hacks na pwede nating magamit sa ating pagtahak sa landas na atin pa lamang tatahakin. Nakakatuwa, nakakainspire at ewan - basta ang sarap mag-look forward sa kung ano man ang haharapin ko sa hinaharap na walang kasiguraduhan.

P. S.
Maganda yung mga love quotes niya. Legit - hindi yung galing sa fake FB page niya.

alxreads's review against another edition

Go to review page

5.0

Ang librong ito tingin ko ay isang mahabang pagtugon ni Bob Ong sa kasalukuyang kalagayan ng kaisipan ng maraming tao na nasa kalawakan ng internet.

Hindi ko alam kung angkop ba ang librong ito sa mga wala pa sa kolehiyo (kahit na puno sila ng potential), pero sobrang swak nito sa mga bagong graduate, recently grumaduate, at mas matanda pa sa mga taong ito.

Ang galing na nasiksik ni Bob Ong sa isang maikling libro (300 pahina) ang napakaraming paksa tungkol sa buhay natin ngayong bugbog ng maraming kaisipan at opinyon galing sa magkakaibang tao na nakatira sa magkakaibang panig ng bansa at mundo. Mga usapin tungkol sa magkakaibang yugto ng buhay, sa mga magkakaibang uri ng fallacies, sa estado ng pag-iisip ng nakararami, sa usapang pera pagmamahal at pamilya, sa mga suliranin na kaharap ng bayan, etc etc..

Ang galing na hindi lang umikot tungkol sa "lifehacks" at "payo" sa magkakaibang seasons ng buhay ang libro.. Na hindi lang lovelife at kalokohan at katatawanan ang inikutan ng librong 'to..

Ilang beses ko tiningnan ang mga huling pahina ng libro para makitaan sana ng reference ang mga impormasyon na nasabi ni Bob Ong sa libro, pero nakasulat naman pala sa pangalawa sa huling hati ng huling kabanata na hindi niya yun binalak gawin.